Sunday, June 1, 2008

para maiba naman..

dahil siguro sa kakabasa ko sa mga libro ni Bob Ong eh, naisip kong magsulat sa tagalog.. panu naman di naman kasi lahat ng nagbabasa ng blog ko eh foreigner, naisip ko lang naman kasing magsulat sa ingles kasi may nag bigay ng comment sa blog ko nung bago pa ito.. taga india yata yun.. computer programmer.. kahit wala pa ngang masyadong nakalagay dito sa blog ko eh nagcomment na agad siya ng "good job".. natouch naman ako at nagsulat sa ingles kasi naisip kong baka may bumisita ulit na foreigner dito sa site ko.. eh.. sa ngayon puro mga kakilala ko pa lang ang nakakabasa dito sa blog ko.. kaya sigurado naman akong maiintidihan nila ang sasabihin ko dito sa post na ito..
gaya ng sinabi ko kanina, hilig ko na ngayon magbasa ng mga Libro ni Bob Ong.. tulad ng mga nakalagay sa nakaraan kong posts, puro mga quotes na galing sa kanyang mga libro.. nakakatawa at makakapag isip ka talaga kapag nabasa mo ang kanyang mga libro.. kaya naman sa entry na ito gusto ko ring maghayag ng pananaw sa mga bagay na kanyang mga sinabi sa kanyang mga libro.. ito ay isang parte ng kanyang librong "Bakit Baligtad Magbasa ang mga Pilipino" na pinupunterya ang hilig ng mga Pinoy sa pagsali ng mga game shows, mapa "Game Ka na BA?", "Wowowee" at marami pang iba.. (basahin niyo! nakakatawa!)

"Lumalabas ang kakulangan natin sa iodize salt pagdating sa mga trivia game show sa TV. Mapa Family-Feud, The weakest Link, o Gobingo, hindi pahuhuli sa pagalingan ang mga mamamayang Pilipino, lalo na sa kung mabilisan!

SET THE CLOCK….

Host: Ano sa Ingles ang “hinlalaki”?
Contestant: Thumbmark

Host: Ano ang ginagamitng mga swimmers para bumilis ang kanilang paglanggoy?
Contestant: Fast Shoes

Host: Kung si Superman ay may Lois Lane, ano naman ang kay Robinhood?
contestant: Pana.

Host: Anong “S” ang inuupuan pag nakasakay sa kabayo?
contestant: Silya

Host: Ano ang karaniwang hugis ng manibela?
contestant: Triangular

Host: Hindi ito boob, hindi ito tube, pero tinatawag ng iba na boob tube. Ano ito?
contestant: Bra

Host: Kelan ang Pasko sa Davao?
contestant: PASS…

Host: Anong tawag sa isdang hindi bilasa?
contestant: tuyo

Host: Ilan ang legs ng cartoon character na si Spiderman?
contestant: Eight

Host: Ano ang nationality ng sanggol na may amang Filipino Catholic at Protestanteng Ina?
Contestant: American

Host: Merong four seasons: winter, spring, summer, at fall. kelan nahuhulog ang mga dahon?
contestant: sa storm

Host: Anong bukol ang makikita sa leeg ng mga lalaki?
contestant: Kiss mark

Host: ano ang kulay ng orange juice kapag nilagay sa blue na baso?
contestant: …Violet

Host: anong malambot na bahagi sa ulo ng sanggol?
contestant: batok

Host: magbigay ng bagay na ipini-pin sadamit?
contestant: Hairpin

Host: Ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat?
contestant: Puti

Host: ano ang tawag sa mga needle-like projections na nakasabit sa ceiling ng mga caves?
contestant: Ice pick

Host: ano ang tawag sa plastic bag na lalagyan ng basura?
contestant: plastic bag na nilalagyan ng basura.

Host: anong C ang paboritong kainin ng mga rabbit?
contestant: Cacamber

Host: ang urine ay liquid: TRUE OR FALSE
contestant: False

Host: anong ang system n g MAth na gumagamit ng symbols instead of numbers?
contestant: ummm…China?

Host: anong ginawa ni MOses sa Red Sea?
contestant: Stop

Host: what is the capital of the Philippines?
contestant: P

Host: anong klaseng sapatos ang ginagamit ng mga basketbolista?
contestant: adidas

Host: sino ang pumatay kay David?
contestant: Goliath

host: ano ang tawag sa taong walang suot sa paa?
contestant: Slipperless

Host: kung ang bulag ay blind ano naman ang english ng pipi?
contestant: Walang salita

Host: anong sea creature ang kalahating kabayo at kalahating isda?
contestant: syokoy

Host: ano ang nasa gitna ng donut?
contestant: palaman

Host: ang salad dressing ba ay damit
contestant: (sandaling nagisip) YES!

Host: Anong klaseng sasakyan ang inaayos sa hangar?
contestant: sirang sasakyan

host: ano ang nilalagay sa sewing machine?
contestant: lagari?

host: ilan taon meron sa leap year?
contestant: 365

host: anong hayop ang di-nakakakita sa sa araw ngunit nakakakita sa dilim?
contestant: flashlight

host: Ano ang tawag sa laro kung saan ang dalawang team ang naghihilahan sa isang lubid?
contestant: tumbang-preso

host: kung manicure sa kamay, ano ang sa paa?
contestant: kuko

host: ano ang isunusuot ng mg boksingero sa ulo nila bilang proteksyon?
contestant: Sumbrero

host: ano ang tawag sa laman sa loob ng buto: marrow or muscle?
contestant: karne

host: para saa ang anti-dandruff shampoo?
contestant: kuto

host: anong englis ng ampalaya?
contestant: asparagus

host: ilang metro mayroon sa 300 meters?
contestant: 3000

host: anong sasakyan ang gamit sa “tour de france”?
contestant: Kalesa

Host: ano ang kasunod ng kidlat?
contestant: sunog

host: saan matatagpuan ang Quebec?
contestant: afghanistan

host: tinuturo ang G-clef sa anong “M” na subject?
contestant: Mathematics

host: ano ang halaman na tumitiklop kapag ito’y nahawakan?
contestant: Hiya-hiya

host: ano ang itlog na ayon sa iba, nakakapagpatigas ng tuhod?
contestant: TAMA!

host: ano ang isinusuot ng taong walang buhok?
contestant: Kalbo

host: anong zip ang ginagamit sa pagbukas ng pantalon?
contestant: pagbukas ng bag

host: anong “D” ang first word sa stanza ng JIngle bells?
contestant: dyingel?

host: anong “H” ang tawag sa taong nagiisa?
contestant: home alone

host: Sa anong bansa nakatira ang mga Hindu?
contestant: hindunesia

host: kungang ubo ay sa bibig, ano naman ang sa ilong?
contestant: Vicks

host: ano ang kulay ng strawberry?
contestant: ube

host: anong klaseng animal ang Afghan Hound?
contestant: Afghanistan

host: sinong American president ang nagkapolyo noong 1920’s
contestant: Apolinario Mabini.."

o! diba?! nakakasakit naman talaga ng tiyan! (actually hindi naman talaga ito yung complete version.. basahin niyo na lang yung libro para mabasa niyo!)..

sabi ng pinsan ko, ang mga Pilipino, dahil sa sobrang hirap ng buhay, ay umaasa na lang sa mga programa sa telebisyon katulad ng Wowowee at Eat Bulaga, minsan naman sa Game ka na ba..nagaaksaya sila ng oras para pumila ng kahaba-haba sa abs-cbn o kaya naman ay sa gma.. kahangalan ba ito? o talagang mahirap na talaga ang buhay ngayon? masyado na ba tayong umaasa na magiging milyonaryo tayo sa pagpili ng tamang bayong at pagsagot ng ke simpleng mga tanong na hindi naman natin masagot.. ewan ko ba kung talagang bobo ang mga Pilipino o baka naman ninyenyernyos lang sila.. gaya din ng ibang mga Pinoy ang nanay ko din ay mahilig tumaya sa lotto.. at nag aabang sa tv kung lalabas ang mga numerong kanyang tinaya.. ang mga Pilipino talaga, mailihg sa milagro.. ewan ko ba kung bakit pero para tayong nagpapakatangang kumakanta o sumasayaw sa harap ng camera pinagtatawanan ng mga tao para lang bigyan tayo ni Willie Revillame ng malaking bonus.. minsan pa nga sumasali sa mga talent search kahit wala namang katalent talent.. ano ba naman yan.. meron pa akong napanood na kahit di marunong tumambling, eh patuloy parin sa pag balentong sa stage para lang magpa impress at makakuha ng pera.. ganun na ba ngayon? kung bibigyan ako ng malaking pera sa bawat balentong ko eh baka di na lang ako mag aral at tumambling na lang maghapon.. baka sakaling maging milyonaryo pa ako.. pero di naman ganun kadali ang buhay.. di naman si Edu Manzano, o si Vic Sotto ang makakabigay sa iyo ng kasiguraduhan na aangat nga ang buhay mo.. kahit magkano pa ang ibigay sa iyong pera ni Willie Revillame para sa pag papaaliw mo sa audeince eh mauubos at mauubos lang ang perang iyan.. baka nga kulang pa yan sa ipapambayad mo sa utang mo eh.. kasi mga Pinoy, mahilig magbakasakali.. at hanggang diyan lang.. minsan walang pinatutunguhan ang mga sakali natin.. kaya nga naman siguro hindi umaasenso itong bansa natin eh.. ewan ko ba.. kasi walang nangyayari sa mga pagbabakasakali natin.. baka lang naman..

meron isang foreigner na nagsulat ng article tungkol sa mga Pilipino.. hindi naman mga panlalait ang mga nakasulat sa artikulong iyon.. (sayang hindi ko mailalagay ang article kasi may nanghiram ng libro ko).. nakalagay lang dun kung bakit sa palagay niya ay di umaasenso ang mga Pilipino.. ito ay dahil raw sa kakulangan nating ng pagpapahalaga sa sarili.. para bang masyado nating ikinahihiya ang ating pagka Pilipino.. may tanong pa nga na nakalagay doon.. "Sino ang gustong maging Pilipino?".. nang mabasa ko ito, napaisip ako ng malalim.. (as in malalim talaga).. gusto ko bang maging Pilipino? kung papipiliin ako, gugustuhin ko bang maging Pilipino? di ko alam.. tapos nabasa ko ang mga sumusunod na artikulo sa ilalim ng tanong.. minsan nga naman dahil sa mga nakakahiyang mga ginagawa ng marami sa mga Pilipino, at sa mga katiwaliang nagaganap sa ating bansa, naiisip kong sana ay di na lang ako dito ipinanganak.. pero napaisip na naman ako.. kung hindi ako Pilipino, ano naman kaya ako? hmm... mejo nakakapagod nang mag isip nang mga panahong iyon.. kaya sigurong pagka Pilipino na lang siguro ang pipiliin ko.. siguro nga.. kaya di umuunlad ang bayang ito dahil wala ni konting kooperasyon galing sa mga mamamayan.. kahit mga mismong mga mamamayan ayaw maging parte ng komunidad na ito.. pano na ngayon yan? haay.. siguro tama nag ang sinasabi dun sa article.. mejo nakakapago nang magtype.. sa susunod na naman.. naubusan ako ng sasabihin.. next time ulit.. :)



No comments: