muntik nako umiyak sa libro ni Bob Ong
tama ang nakasulat sa title nitong entry na ito.. muntik na akong umiyak sa latest na libro ni Bob Ong na ang title ay Mc Arthur.. di ako muntik umiyak sa kakatawa gaya ng mga nauna niyang libro.. dinamdam ko ang kwento ng 4 na magkakaibigan na nalulong sa masamang gamot.. di ko akalain na si Bob Ong ay magsusulat ng ganoong kalalim na libro.. kaya nga saludo ako sa kanya.. sa pagbabasa ng librong iyon, napaisip ako.. sobrang lalim.. nag-aya akong pumunta ng Jollibee sa roommate ko.. siya ang nag order kaya naiwan ako sa may mesa namin.. kaharap ko ang parte ng Jollibee kung saan dun naglalaro ang mga bata.. yung may mga slide.. napatingin lamang ako sa kanila.. naalala ko noong bata pa ako, madalas din akong maglaro sa mga ganito.. maraming pasikot sikot.. pero iisa lang ang slide.. napansin ko na enjoy na enjoy ang mga bata sa paglalaro dun.. kahit sobrang liit lang nun at napakarami nilang naglalaro doon.. ang saya saya pa rin nila.. kahit magkanda dapa dapa na sila, o masubsob sila sa slide ay wala kang makikitang batang umiiyak.. lahat sila nag eenjoy sa pabalik balik nilang ginagawa.. papasok ng funplace, aakyat sa malahagdan na parte tatawid sa mga parte na parang tunnel tapos ay mag saslide sa napakababaw na slide doon.. di sila nagsasawa.. yun ang paulit ulit nilang ginagawa.. pero di sila napapagod.. masaya pa rin silang naglalaro kahit 20 times na silang nakaslide.. napatingin lang ako sa kanila.. napareminisce na naman sa mga panahong ako ay parehas lang nila ng edad.. gaya nila naglalaro ako sa mga bagay tulad ng mga maliliit na slide.. minsa pag na.mo.mall kami ng nanay ko, iniiwan niya ako sa kids center dun, mas malalaki ang slides at mas maraming mga pasikot sikot.. ang saya mag laro dun.. nakakaenjoy.. kaya lang marami kang batang makakasalamuha.. may iba nag-aaway pa nga.. nakikipag agawan sa iisang slide.. nagtataka ako kung bakit pa nila kailangan mag away pa para sa isang slide eh marami namang ibang slide.. pero di natin masisisi.. bata pa kasi.. pero kahit noon pa.. di ako nasasangkot sa mga away na ganun.. (ang bait ko noh? hehe).. gusto ko kasi naeenjoy ko ang 2 oras na paglalaro ko doon.. magsiswimming ako sa pool sa puro bola ang nasa loob.. ang saya nun! di ka lumubuog.. di ka rin malulunod.. ang saya.. swerte ko nga eh.. nakaranas ako ng ganoong kaligayahan noong bata pa ako.. naisip ko na lang kung paano na ang mga bata na wala nang tatay o nanay.. wala nang pamilya.. lasenggo ang tatay o kaya naman sugarol ang nanay.. mga batang pilit tinataguyod ng kanilang mga magulang ngunit pariwara lamang.. nalululong, lumulubog sa mga masasamang bisyo.. (kasama na ang paglalaro ng DotA dun!).. paano na lang ang mga batang wala nang pamilya.. pinagiwanan na ng panahon at nakabalot na lamang sa kawalan? ano na ang mangyayari sa kanila? may pag-asa pa ba? sa Libro na naisulat ng aking idol na si Bob Ong, may 4 na magkakaibigan ang nalulong sa droga.. napaisip ulit ako (napansin kong lagi na akong nagiisip ngayon.. maisip ko din kaya ang magiging answer ko sa quiz namin sa Math?hehe).. lahat ba ng tao kailangan talagang magdusa bago tunay nating maunawaan ang ating mga pagkakamali? kailangan ba nating madaanan lahat paratayo ay matuto? sabi nga nila experience is the best teacher.. kailangan pa ba nating magnakaw para malaman natin na mali iyon? kailangan pa ba nating masaktan upang malaman na tunay ang pagmamahal? (teka.. parang corny yata yung last statement ko ha.. hehe).. at doon ko narealize na para sa mga taong nalulong o nalululong sa masamang bisyo, ang kanilang buhay ay parang funplace sa Jollibee o isang malaking playground para sa mga bata.. maraming pasikot sikot.. at kahit paulit ulit nang nasusubsob sa slide ay masaya pa ring naglalaro at aakyat uli para magslide.. at kahit napakarami pang ibang slides ay nag aagawan sa iisang slide ang mga taong ito.. nag-uunahan.. nagsisiksikan.. na.eexcite.. lahat atat na atat na para enjoyin ang ligayang dulot ng bato na parang pag naka hithit kana at sisigaw ka na lang ng "darna" at pwesto! papunta ka na ng langit.. bawat isa sa kanila.. superhero ng kanilang mga sarili.. ang di nila alam, sa konting galos na nakukuha nila sa pakonti-konting subsob na nangyayari sa kanila kada slide nila ay lumalaki ng husto ang mga ito at nagiging mga sugat.. isang malaking funplace lamang para sa kanila ang mundo.. isang playground kung saan walang time limit.. walang uwian.. kung pwede dun na magtulugan.. wala nang pakialam sa kung anong meron sa bukas basta ang mahalaga sila'y nagpakasaya.. hanggang sa kaya pa ng mga katawan nila.. walang pangarap.. puro lang laro.. walang mga balak.. puro lang kung anong meron.. ikaw? ano bang mga pangarap mo? isang quote lamang ang aking nagustuhan sa libro.. at sana, lahat ng kabataan ay marealize ito..
"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."
o diba? tama naman siya.. halos 2 dekada lang ang pag-aaral sa skwelahan.. may nagsabi naman na isang karakter sa libro na di lahat ng nakakatapos ay may pinatutunguhan.. tama naman siya..pero saan ka naman pupulutin kung mismo pagbabasa at pagsusulat ay di mo alam gawin.. walang pinautunguhan ang mga buhay na puno paghihinagpis sa mga bagay na wala o sa mga bagay na nawala sa kanila.. ang dami kong kilalang taong ganyan.. puro reklamo sa mundo.. kesyo wala nang mabuting ginawa ang anak nila.. kesyo puro na lang problema ang dinadala ng buhay sa kanila, pataas ng pataas ang mga bilihin.. lagi na lamang nila nakikita g kung anong negative sa buhay nila.. king ganun pala, walang naibigay ang Diyos na maganda sa atin.. puro na lamang kahirapan at mga sakit.. sa aking pananaw.. hindi naman ganun.. sana naman.. makita ng mga taong ito na maraming mga magagandang nangyayari sa buhay nila.. at marami pang magagandang farating kung hahayaan nila ito pumasok sa mga puso nila.. pag pinahihirapan natina ang ating mga sarili, pinahihirapan din natin ang mga taong mahal natin.. di natin sila sinasadyang saktan nang dahil lang sa mga problema na di natin kayang dalhin.. para din sa akin.. lahat tayo ay nakatira sa isang funplace.. parang mga adik.. di lang natin alam.. gaya lang din nila tayo.. nakikipasiksikan.. nakikipaghabulan at nakikipag-away sa pasikot-sikot ng buhay.. upang tayo ay magkaroon lamang ng kaligayahan.. kung pwede lang nating itulak ang mga taong nauna pa sa atin.. gagawin natin.. at kahit ilang beses na tayong nasubsob sa pagslide at paulit-ulit pa rin tayong umaakyat para magslide ulit.. pag tayo ay nadapa ng ilang beses, minsan gusto na nating umiyak at sumuko na.. pero sadyang may mga kalaro tayong naghahandog ng tulong para lang tayo makatayo at makalaro ulit.. masaya maglaro sa buhay.. masaya mangarap.. totoong minsan napakahirap abuting ng tanging bagay na iyong inaasam sa buhay.. ito lang ang maibabahagi kong quote galing sa isang libro pa ni Bob Ong tungkol diyan..
"mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis... kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili... sa bandang huli, ikaw din ang biktima... rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili..."
sana, wag tayong maging mga adik na ang mundo ay umiikot lamang sa funplace ng Jollibbe.. ang buhay, hindi hanggang funplace lang.. wag kang dumikit sa kung anong meron sa funplace ng Jollibbe.. malay mo.. mas maganda yung nasa McDo.. :)
1 comment:
You are so tagalog! :))
Post a Comment