Thursday, July 24, 2008

college layp!

mahigit sa 2 buwan na akong college student.. pero naiisip ko pa rin araw-araw kung ano meron ang bukas para sa akin.. pero sa araw-araw na buhay bilang isang kolehiyo.. ang dami kong natututunang gawin.. ating ikumpara ang buhay ko noong high school at sa buhay ko ngayon..
noong nasa Pisay pa lamang ako.. napipilitan akong gumising ng napakaaga para lang maligo at pumila sa banyo na parang pumipila ka sa pogbili ng NFA rice.. nakakaantok.. nakakapagod.. nakakainis.. minsan ay meron pang nag-aaway.. pero, naisip kong mubuti na lang at nasanay na ako sa ganun.. dahil ngayon ako'y nasa kolehiyo na, halos araw-araw alas 7 ang aking pasok.. anak ng pating naman! alas 7 pa! mapa P.E. o English man ang subject, nakakapagod pa rin.. masasabing malapit nga ang skwelahan sa boarding house.. pero, walang malapit sa taong inaantok na naglalakad sa daan..at sa paglalakad, noon ay di ko na kailangang tumawid pa ng kalsada para lang makarating sa skwelahan.. pero ngayon, natutunan ko nang makipag patintero sa mga tumatakbong jeep na papunta ng Sanitarium at mga sasakyan.. pati na rin sa mga malalaking bus tulad ng Super 5 at rural.. mapa aircon o regular, wala akong patawad.. natutunan ko ding hindi gamitin ang mga bagay na ginawa ng gobyerno katulad na lang ng overpass.. at dumaan sa kalsadang may karatulang "NO J-WALKING".. napakabuti ko talagang mamamayan ng Pilipinas!
pagdating sa mga teachers, hindi talaga nawawala ang mga tawag na di kanais-nais sa mga gurong ubod ng hina magsalita.. ubod ng boring magklase.. at yung mga halos kiliitiin mo na ang sarili mo para lang matawa ka sa mga "corny" nilang jokes.. pero meron naman akong Prof sa aking English 3 na subject.. Oral Communication Subject.. siya ang tipo ng teacher na ayaw niya ng mga maaarte.. gusto niya pag ikaw pinakanta niya, di ka raw dapat mag-astang parang virgin at humindi.. pag sinabi niyang kanta.. dapat kumanta ka! parang nasa circus.. pag sinabi niyang talon! dapat tumalon ka! at kahit anong sabihin niya dapat gawin mo kahit bumuga ka pa ng apoy gawin mo.. ganyan pag college na.. gagawin mo ang lahat makakuha ka lang ng gradong katanggap-tanggap sa lipunan.. kung ayaw mong kunin mo ulit yang subject na iyan.. pero masasabi kong iba itong Prof namin.. kung tatanungin niyo ko kung babae ba siya o lalake.. yan ay hindi ko masasagot sa diretsong tanong.. dahil lagi niyang nababanggit na ang tawag niya sa kaniyang mga close friends ay "bayot!" ewan ko.. kau na lang ang humusga.. basta.. biologically.. may lawit siya.. (hehe).. nakakatawa naman siyang magklase.. at nagbibigay siya ng mga examples sa mga expressions na di dapat tularan ng mga bata.. katulad ng kapag nagkita kayo ng kaibigan mong matagal mo nang hindi nakikita, wag na wag mong sasabihin sa harap ng maraming tao ang ganito: "bayot! musta naman ka?! nagpalubot naman daw ka!".. ayan ha! sinabi niya talaga iyan sa klase.. for class purposes lang daw para di naman daw boring ang klase.. ang sabi pa niya, just in case daw mangyari sayo ito, ito na lang ang isagot mo sa kaibigan mong may bastos na bunganga: "lagi yot! wala naman gud koy kwarta maong palubot na lang ko bisag asa!".. o diba?! sosyal.. meron pang response.. di talaga mapigilan ang tawa ng mga blockmates ko na gustong gusto ang mga jokes na ganyan.. ako rin.. tawa rin ng tawa.. ;)
walang ganyan sa high school.. wala akong kilalang ganyan.. pag high school kasi parang dapat ang mga teachers ay aware sa mga sinasabi nila.. ewan.. kaya nga halos lahat ng high school teachers ko boring eh..
sa college.. ang daming wala.. pero marami ding meron.. gaya ng iba't ibang taong makikita mo araw-araw.. iba iba ang nakikilala mo.. ang saya diba? sobrang dami ng pagkakataong makakakilala ka ng gwapong matalino, o chicks na matalino rin.. hehe.. ang saya-saya.. ang dami dami mong mapag pipiliian.. di tulad sa high school na araw-araw sa loob ng apat na taon pare-parehong mga mukha lang ang nakikita mo.. memorize mo na kung saan ang nunal niya sa mukha o kung may balat ba siya sa puwet.. kung kailang siya naiihi o kung kelan siya gugutumin.. pati nga background nila alam mo na.. ilang kapit niya, ilang ang kapaitid ng lola niyang namatay na noong panahon ng hapon pa.. halos lahat alam mo na.. minsan naiisip ko, yun ding ang maganda sa high school.. kilalang kilala mo na ang mga tao..pero minsan akala mo kilala mo na pero hindi pala.. ito naman ang mga drama ng mga taong tatawagin nating mga self-confessed EMO.. noong high school lang ako nauso yan.. at marami akong kilalang ganyan..
gaya ng sinabi ko kanina.. sa kolehiyo ang daming wala, pero marami ding meron.. hindi ko talaga ito maikukumpara sa high school na buhay dahil iba lang talaga sila.. pare-pareho man ang mga lessons ngunit ang pakikisalamuha at pakikidigma sa mga problemang pampaaralan at pamumuhay ay iba na talaga.. di ko nga lam kung bakit ko naisip isulat ito.. siguro dahil gusto kong ibahagi ang mga nadadaanan ko ngayong bago pa lang ako dito sa buhay na ito.. iba na pag college.. iiyakan mo ang bagsak na score mo sa finals at tatawanan mo lang ang bagsak na score mo sa quarter exam sa Physics kung sa high school pa.. wala pa akong science subject ngayon.. puro humanities.. 2 history, 2 english 1 filipino at 1 math.. lahat yan 26 units kasama na ang cwts pag sunday.. buti na lang at di ako rotc kundi patay ang skin ko sa init ng araw.. hehe.. ngayon naiisip ko kung gano ko na ka miss ang buhay hayskul.. ang mga bagay na halos ginagawa ko araw-araw ay hindi ko na ginagawa ngayon.. wala na ang pila sa CR pila sa pagkain at pila sa Bus.. wala na ang mga gabing walang tulugan sa kwentuhan at kopyahan ng halos lahat ng assignments.. wala nang mga teacher na pinagtsitsismisan at wala na ang mga boring na klase sa Physics at sa Math.. wala nang mga mararaming requirements at wala na ring sunod sunod na mga long quiz na ikina.nonose bleed ng marami.. lahat ng ito.. wala na pag college.. actually hindi lang ito.. marami pang iba.. ngayon lang ako napaisip ng ganito.. napa reminisce ng mabuti sa mga panahong nagugol ko sa high school.. kaya sa mga high school pa.. sulitin niyo ang oras.. mas masaya ang high school kesa college.. ang mga prof niyo sa college hindi niyo pwedeng maging kaibigan di tulad ng mga teachers niyo sa high school.. at di lahat ng magiging seatmate niyo ay magpapakopya ng answer niya sa quiz.. kung may mga kilala kayong mahahanhin sa klase niyo, doble pa o triple ang makikilala niyo sa college.. yung ma-ala signal number 5 ang lakas ng bagyo kapag sila na ay nagsalita.. pag college.. pwedeng walang lunch break at recess.. wala nang ganung subject.. magpasalamat na lang kau sa 15-30 mins niyo na break para pumunta sa canteen.. sana marealize niyo kung ganu kasaya maging isang high school student.. lahat tau gagraduate.. at lahat tayo balang araw magiging kolehiyo na.. wag sana nating sayangin ang panahon.. (parang nagbibigay na ako ng advice niyan ah).. sa mga college na.. sana itong sinulat ko, makapag paalala sa inyo kung gano kasaya tayo noon.. at tayo y magdrama sa ilang sandali.. (nagdadrama pa.. mamaya na uli sususlat).... ok.. tama na ang drama at magpatuloy na tayo sa mga buhay natin.. :)

No comments: