Wednesday, August 20, 2008

after a series of heart-stopping events

buti naman at buhay pa ako..

kagabi.. nakatanggap kami ng balita na sumasalakay nadaw ang mga rebelde sa syudad..

lahat kami dito nataranta na.. kami ng room mate ko na si Jebien kumuha na kami ng mga gamit na pwede naming dalhin at nagcharge na ako ng cell phone.. nag text ako sa nanay ko na baka kung ano na pwedeng mangyari.. nagbihis na din kami ng pang alis! talagang ready to fly na kami! pero sabi ng landlady namin na false alarm lang daw.. pero dapat maging alert pa rin kami..

grabeh! akala ko makakawitness na talaga ako ng tunay na gera! pero at one point, na feel ko na may gera talaga! 3 days kami walang pasok

at bukas! may pasok na! kainis! hmmmppp...

7am pa klase ko bukas! shoot! ano ba to!

haay...

mag quiz daw kami sa math 17.. kamusta naman yun? bakit di ko alam yun?!

dapat kasi bumalik na yung prof namin!

bat kasi nagkasakit pa siya

haaay...

7am

PE 1.. kainis! dapat ngayon na lang yung araw na may klase!

wala kasi akong subject basta wed!

pero.. wala na akong magagawa.. haay...

nagsimba ako kanina (naks! 1st time)
kasama ko si Andrey.. nakasabay pa namin yung kuya niya saka yung gf ng kuya niya.. nagdasal ako for peace at para na din sa nalalapit na naming midterms! waah!
paglabas namin ang lakasng ulan! buti na lang may dala akong payong.. yung payong ko pinahiram ko na lang kay Andrey kasi wala siyang payong.. dinaan na lang niya ako dito sa bahay..
sino si Andrey? seatmate ko palagi sa Math 17.. matalino kasi siya sa math.. kaya madalas sa kanya ako kumokopya ng assignment.. minsan nagpapaturo ako ng answer sa mga seatworks namin.. saya naman siyang kasama.. ECE angc course niya.. ako Chem Eng..
ang lau noh? pero mabait naman siya
palabiro.. ehehe..

well.. balik tayo sa papalapit na naming midterms!
kinakabahan ako sa midterms sa math 17 at sa history 1.. ang daming dapat pag aralan.. shoot! kainis! hayy..


kakatapos ko din palangmagsulat ng reaction paper ng boardmate kong si Carl.. ok lang.. di naman masyadong mahirap..

sakit na ng pwet ko! bukas ulit!

No comments: