august na pala.. feeling ko parang kailan lang.. 3 buwan na akong college student.. at eto pa rin ako.. struggling..
malapit na pala ang midterms.. i sucked at my math prelim exam.. i sucked a lot! kung babagsak ako sa math 17 magpapakamatay ako! pramis!
nakakapagod ang araw ko ngayon.. dapat manonood ako ng movie nina John Lloyd at Sara.. kaso di ako nakasama! siyet na bomb threats!
ang dami kong kinain! 2 malaking slice na fried chicken at isang bandehadong kanin! kamusta naman yun!
unli na naman ako.. lagi na nga eh.. di ko kasi mapigilan mag text pero punyetang system sa globe! gabi-gabi na lang sira ang system! shoot!
pero ok na lang.. at least hindi sayang pag boring ang klase at pag walang magawa..
siyet! nagfoflood na naman ang mga messages sa cp ko! wait lang.. (tinitignan ang phone)...
ayan.. ang daming nag text.. dami kasing nagmamahal.. joke. ehehe..
wait lang ulit.. haynaku.. dami talagang nag tetext.. katext ko na naman yung crush ko na si "rey".. masasabi kong siya ang tunay na nagpapakita ng definition sa cute.. chubby.. maputi.. singkit.. at may dimples! di ko maexplain ang kilig pag nakikita ko siya.. haaay.... di naman sa in love ako sa kanya.. cute lang talaga siya.. at nag text din si sir ian.. pe teacher namin noong 2nd yr hs p lang kami.. papaturo daw siya kung panu mag blog..
at ayan na naman.. nag foflood na naman ang mga messages sa fone ko! kainis! leche na globe! hmp!
CWTS na naman bukas.. buti na lang at seminar lang.. di pwedeng mag absent.. pero absent ang iba naming kasama.. wala kasing pasok sa monday.. holiday!
yes!! holiday! pwede pala akong maglaba bukas! hmm...
ehehe...
na-adik na din ako sa pag lalaro ng mind bugling na rubik's cube.. ang saya pala.. kapag nakabuo ka na.. nag papractice na ako kasi nag aya ang mga boardmates ko na sumali sa contest sa november.. malay natin.. baka mas gumaling pako.. haha! ambisyosa!
ngayong araw.. may binasted na naman ako..
naku! baka sabihin ng iba jan ang kapal ng mukha ko at ang feeling ko..
actually... elementary classmate ko yun.. ewan ko bah.. ba't ang hirap mambasted basta kaibigan mo na yung nanliligaw sayo.. hirap grabe.. ang hirap mag explain at ang hirap ibalik ang dati niyong friendship.. bat kaya ganun?
basta.. pabalik balik lang parati ang linya ko.. STUDIES FIRST! dapat lang! naku! ilang beses na sinasabi sa akin ng nanay ko yan.. at salamat din naman sa Diyos wala pa akong nakikita na matitipuhan kong maging bf ngayon.. masarap kasi yung single ka ta nag eexplore ka pa sa mundong kinabibilangan mo..
nakakapagod ang araw na ito.. birthday ni Toni! naka greet na pala ako sa kanya.. :)
hanggang dito na lang muna kaya.. bukas ulit.. marami pa akong sasabihin.. pero bukas na lang.. :)
No comments:
Post a Comment