Tuesday, July 29, 2008

i can't believe i c0uld really surf the net using my m0m's ph0ne

can anyone believe this! I am using my m0m's n92 ph0ne in writing in my bl0g! Amazing! This ph0ne c0st 20k.. W0w! Can't believe my m0m's that rich!

Saturday, July 26, 2008

muntik nako umiyak sa libro ni Bob Ong

tama ang nakasulat sa title nitong entry na ito.. muntik na akong umiyak sa latest na libro ni Bob Ong na ang title ay Mc Arthur.. di ako muntik umiyak sa kakatawa gaya ng mga nauna niyang libro.. dinamdam ko ang kwento ng 4 na magkakaibigan na nalulong sa masamang gamot.. di ko akalain na si Bob Ong ay magsusulat ng ganoong kalalim na libro.. kaya nga saludo ako sa kanya.. sa pagbabasa ng librong iyon, napaisip ako.. sobrang lalim.. nag-aya akong pumunta ng Jollibee sa roommate ko.. siya ang nag order kaya naiwan ako sa may mesa namin.. kaharap ko ang parte ng Jollibee kung saan dun naglalaro ang mga bata.. yung may mga slide.. napatingin lamang ako sa kanila.. naalala ko noong bata pa ako, madalas din akong maglaro sa mga ganito.. maraming pasikot sikot.. pero iisa lang ang slide.. napansin ko na enjoy na enjoy ang mga bata sa paglalaro dun.. kahit sobrang liit lang nun at napakarami nilang naglalaro doon.. ang saya saya pa rin nila.. kahit magkanda dapa dapa na sila, o masubsob sila sa slide ay wala kang makikitang batang umiiyak.. lahat sila nag eenjoy sa pabalik balik nilang ginagawa.. papasok ng funplace, aakyat sa malahagdan na parte tatawid sa mga parte na parang tunnel tapos ay mag saslide sa napakababaw na slide doon.. di sila nagsasawa.. yun ang paulit ulit nilang ginagawa.. pero di sila napapagod.. masaya pa rin silang naglalaro kahit 20 times na silang nakaslide.. napatingin lang ako sa kanila.. napareminisce na naman sa mga panahong ako ay parehas lang nila ng edad.. gaya nila naglalaro ako sa mga bagay tulad ng mga maliliit na slide.. minsa pag na.mo.mall kami ng nanay ko, iniiwan niya ako sa kids center dun, mas malalaki ang slides at mas maraming mga pasikot sikot.. ang saya mag laro dun.. nakakaenjoy.. kaya lang marami kang batang makakasalamuha.. may iba nag-aaway pa nga.. nakikipag agawan sa iisang slide.. nagtataka ako kung bakit pa nila kailangan mag away pa para sa isang slide eh marami namang ibang slide.. pero di natin masisisi.. bata pa kasi.. pero kahit noon pa.. di ako nasasangkot sa mga away na ganun.. (ang bait ko noh? hehe).. gusto ko kasi naeenjoy ko ang 2 oras na paglalaro ko doon.. magsiswimming ako sa pool sa puro bola ang nasa loob.. ang saya nun! di ka lumubuog.. di ka rin malulunod.. ang saya.. swerte ko nga eh.. nakaranas ako ng ganoong kaligayahan noong bata pa ako.. naisip ko na lang kung paano na ang mga bata na wala nang tatay o nanay.. wala nang pamilya.. lasenggo ang tatay o kaya naman sugarol ang nanay.. mga batang pilit tinataguyod ng kanilang mga magulang ngunit pariwara lamang.. nalululong, lumulubog sa mga masasamang bisyo.. (kasama na ang paglalaro ng DotA dun!).. paano na lang ang mga batang wala nang pamilya.. pinagiwanan na ng panahon at nakabalot na lamang sa kawalan? ano na ang mangyayari sa kanila? may pag-asa pa ba? sa Libro na naisulat ng aking idol na si Bob Ong, may 4 na magkakaibigan ang nalulong sa droga.. napaisip ulit ako (napansin kong lagi na akong nagiisip ngayon.. maisip ko din kaya ang magiging answer ko sa quiz namin sa Math?hehe).. lahat ba ng tao kailangan talagang magdusa bago tunay nating maunawaan ang ating mga pagkakamali? kailangan ba nating madaanan lahat paratayo ay matuto? sabi nga nila experience is the best teacher.. kailangan pa ba nating magnakaw para malaman natin na mali iyon? kailangan pa ba nating masaktan upang malaman na tunay ang pagmamahal? (teka.. parang corny yata yung last statement ko ha.. hehe).. at doon ko narealize na para sa mga taong nalulong o nalululong sa masamang bisyo, ang kanilang buhay ay parang funplace sa Jollibee o isang malaking playground para sa mga bata.. maraming pasikot sikot.. at kahit paulit ulit nang nasusubsob sa slide ay masaya pa ring naglalaro at aakyat uli para magslide.. at kahit napakarami pang ibang slides ay nag aagawan sa iisang slide ang mga taong ito.. nag-uunahan.. nagsisiksikan.. na.eexcite.. lahat atat na atat na para enjoyin ang ligayang dulot ng bato na parang pag naka hithit kana at sisigaw ka na lang ng "darna" at pwesto! papunta ka na ng langit.. bawat isa sa kanila.. superhero ng kanilang mga sarili.. ang di nila alam, sa konting galos na nakukuha nila sa pakonti-konting subsob na nangyayari sa kanila kada slide nila ay lumalaki ng husto ang mga ito at nagiging mga sugat.. isang malaking funplace lamang para sa kanila ang mundo.. isang playground kung saan walang time limit.. walang uwian.. kung pwede dun na magtulugan.. wala nang pakialam sa kung anong meron sa bukas basta ang mahalaga sila'y nagpakasaya.. hanggang sa kaya pa ng mga katawan nila.. walang pangarap.. puro lang laro.. walang mga balak.. puro lang kung anong meron.. ikaw? ano bang mga pangarap mo? isang quote lamang ang aking nagustuhan sa libro.. at sana, lahat ng kabataan ay marealize ito..
"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

o diba? tama naman siya.. halos 2 dekada lang ang pag-aaral sa skwelahan.. may nagsabi naman na isang karakter sa libro na di lahat ng nakakatapos ay may pinatutunguhan.. tama naman siya..pero saan ka naman pupulutin kung mismo pagbabasa at pagsusulat ay di mo alam gawin.. walang pinautunguhan ang mga buhay na puno paghihinagpis sa mga bagay na wala o sa mga bagay na nawala sa kanila.. ang dami kong kilalang taong ganyan.. puro reklamo sa mundo.. kesyo wala nang mabuting ginawa ang anak nila.. kesyo puro na lang problema ang dinadala ng buhay sa kanila, pataas ng pataas ang mga bilihin.. lagi na lamang nila nakikita g kung anong negative sa buhay nila.. king ganun pala, walang naibigay ang Diyos na maganda sa atin.. puro na lamang kahirapan at mga sakit.. sa aking pananaw.. hindi naman ganun.. sana naman.. makita ng mga taong ito na maraming mga magagandang nangyayari sa buhay nila.. at marami pang magagandang farating kung hahayaan nila ito pumasok sa mga puso nila.. pag pinahihirapan natina ang ating mga sarili, pinahihirapan din natin ang mga taong mahal natin.. di natin sila sinasadyang saktan nang dahil lang sa mga problema na di natin kayang dalhin.. para din sa akin.. lahat tayo ay nakatira sa isang funplace.. parang mga adik.. di lang natin alam.. gaya lang din nila tayo.. nakikipasiksikan.. nakikipaghabulan at nakikipag-away sa pasikot-sikot ng buhay.. upang tayo ay magkaroon lamang ng kaligayahan.. kung pwede lang nating itulak ang mga taong nauna pa sa atin.. gagawin natin.. at kahit ilang beses na tayong nasubsob sa pagslide at paulit-ulit pa rin tayong umaakyat para magslide ulit.. pag tayo ay nadapa ng ilang beses, minsan gusto na nating umiyak at sumuko na.. pero sadyang may mga kalaro tayong naghahandog ng tulong para lang tayo makatayo at makalaro ulit.. masaya maglaro sa buhay.. masaya mangarap.. totoong minsan napakahirap abuting ng tanging bagay na iyong inaasam sa buhay.. ito lang ang maibabahagi kong quote galing sa isang libro pa ni Bob Ong tungkol diyan..
"mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis... kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili... sa bandang huli, ikaw din ang biktima... rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili..."

sana, wag tayong maging mga adik na ang mundo ay umiikot lamang sa funplace ng Jollibbe.. ang buhay, hindi hanggang funplace lang.. wag kang dumikit sa kung anong meron sa funplace ng Jollibbe.. malay mo.. mas maganda yung nasa McDo.. :)

Thursday, July 24, 2008

college layp!

mahigit sa 2 buwan na akong college student.. pero naiisip ko pa rin araw-araw kung ano meron ang bukas para sa akin.. pero sa araw-araw na buhay bilang isang kolehiyo.. ang dami kong natututunang gawin.. ating ikumpara ang buhay ko noong high school at sa buhay ko ngayon..
noong nasa Pisay pa lamang ako.. napipilitan akong gumising ng napakaaga para lang maligo at pumila sa banyo na parang pumipila ka sa pogbili ng NFA rice.. nakakaantok.. nakakapagod.. nakakainis.. minsan ay meron pang nag-aaway.. pero, naisip kong mubuti na lang at nasanay na ako sa ganun.. dahil ngayon ako'y nasa kolehiyo na, halos araw-araw alas 7 ang aking pasok.. anak ng pating naman! alas 7 pa! mapa P.E. o English man ang subject, nakakapagod pa rin.. masasabing malapit nga ang skwelahan sa boarding house.. pero, walang malapit sa taong inaantok na naglalakad sa daan..at sa paglalakad, noon ay di ko na kailangang tumawid pa ng kalsada para lang makarating sa skwelahan.. pero ngayon, natutunan ko nang makipag patintero sa mga tumatakbong jeep na papunta ng Sanitarium at mga sasakyan.. pati na rin sa mga malalaking bus tulad ng Super 5 at rural.. mapa aircon o regular, wala akong patawad.. natutunan ko ding hindi gamitin ang mga bagay na ginawa ng gobyerno katulad na lang ng overpass.. at dumaan sa kalsadang may karatulang "NO J-WALKING".. napakabuti ko talagang mamamayan ng Pilipinas!
pagdating sa mga teachers, hindi talaga nawawala ang mga tawag na di kanais-nais sa mga gurong ubod ng hina magsalita.. ubod ng boring magklase.. at yung mga halos kiliitiin mo na ang sarili mo para lang matawa ka sa mga "corny" nilang jokes.. pero meron naman akong Prof sa aking English 3 na subject.. Oral Communication Subject.. siya ang tipo ng teacher na ayaw niya ng mga maaarte.. gusto niya pag ikaw pinakanta niya, di ka raw dapat mag-astang parang virgin at humindi.. pag sinabi niyang kanta.. dapat kumanta ka! parang nasa circus.. pag sinabi niyang talon! dapat tumalon ka! at kahit anong sabihin niya dapat gawin mo kahit bumuga ka pa ng apoy gawin mo.. ganyan pag college na.. gagawin mo ang lahat makakuha ka lang ng gradong katanggap-tanggap sa lipunan.. kung ayaw mong kunin mo ulit yang subject na iyan.. pero masasabi kong iba itong Prof namin.. kung tatanungin niyo ko kung babae ba siya o lalake.. yan ay hindi ko masasagot sa diretsong tanong.. dahil lagi niyang nababanggit na ang tawag niya sa kaniyang mga close friends ay "bayot!" ewan ko.. kau na lang ang humusga.. basta.. biologically.. may lawit siya.. (hehe).. nakakatawa naman siyang magklase.. at nagbibigay siya ng mga examples sa mga expressions na di dapat tularan ng mga bata.. katulad ng kapag nagkita kayo ng kaibigan mong matagal mo nang hindi nakikita, wag na wag mong sasabihin sa harap ng maraming tao ang ganito: "bayot! musta naman ka?! nagpalubot naman daw ka!".. ayan ha! sinabi niya talaga iyan sa klase.. for class purposes lang daw para di naman daw boring ang klase.. ang sabi pa niya, just in case daw mangyari sayo ito, ito na lang ang isagot mo sa kaibigan mong may bastos na bunganga: "lagi yot! wala naman gud koy kwarta maong palubot na lang ko bisag asa!".. o diba?! sosyal.. meron pang response.. di talaga mapigilan ang tawa ng mga blockmates ko na gustong gusto ang mga jokes na ganyan.. ako rin.. tawa rin ng tawa.. ;)
walang ganyan sa high school.. wala akong kilalang ganyan.. pag high school kasi parang dapat ang mga teachers ay aware sa mga sinasabi nila.. ewan.. kaya nga halos lahat ng high school teachers ko boring eh..
sa college.. ang daming wala.. pero marami ding meron.. gaya ng iba't ibang taong makikita mo araw-araw.. iba iba ang nakikilala mo.. ang saya diba? sobrang dami ng pagkakataong makakakilala ka ng gwapong matalino, o chicks na matalino rin.. hehe.. ang saya-saya.. ang dami dami mong mapag pipiliian.. di tulad sa high school na araw-araw sa loob ng apat na taon pare-parehong mga mukha lang ang nakikita mo.. memorize mo na kung saan ang nunal niya sa mukha o kung may balat ba siya sa puwet.. kung kailang siya naiihi o kung kelan siya gugutumin.. pati nga background nila alam mo na.. ilang kapit niya, ilang ang kapaitid ng lola niyang namatay na noong panahon ng hapon pa.. halos lahat alam mo na.. minsan naiisip ko, yun ding ang maganda sa high school.. kilalang kilala mo na ang mga tao..pero minsan akala mo kilala mo na pero hindi pala.. ito naman ang mga drama ng mga taong tatawagin nating mga self-confessed EMO.. noong high school lang ako nauso yan.. at marami akong kilalang ganyan..
gaya ng sinabi ko kanina.. sa kolehiyo ang daming wala, pero marami ding meron.. hindi ko talaga ito maikukumpara sa high school na buhay dahil iba lang talaga sila.. pare-pareho man ang mga lessons ngunit ang pakikisalamuha at pakikidigma sa mga problemang pampaaralan at pamumuhay ay iba na talaga.. di ko nga lam kung bakit ko naisip isulat ito.. siguro dahil gusto kong ibahagi ang mga nadadaanan ko ngayong bago pa lang ako dito sa buhay na ito.. iba na pag college.. iiyakan mo ang bagsak na score mo sa finals at tatawanan mo lang ang bagsak na score mo sa quarter exam sa Physics kung sa high school pa.. wala pa akong science subject ngayon.. puro humanities.. 2 history, 2 english 1 filipino at 1 math.. lahat yan 26 units kasama na ang cwts pag sunday.. buti na lang at di ako rotc kundi patay ang skin ko sa init ng araw.. hehe.. ngayon naiisip ko kung gano ko na ka miss ang buhay hayskul.. ang mga bagay na halos ginagawa ko araw-araw ay hindi ko na ginagawa ngayon.. wala na ang pila sa CR pila sa pagkain at pila sa Bus.. wala na ang mga gabing walang tulugan sa kwentuhan at kopyahan ng halos lahat ng assignments.. wala nang mga teacher na pinagtsitsismisan at wala na ang mga boring na klase sa Physics at sa Math.. wala nang mga mararaming requirements at wala na ring sunod sunod na mga long quiz na ikina.nonose bleed ng marami.. lahat ng ito.. wala na pag college.. actually hindi lang ito.. marami pang iba.. ngayon lang ako napaisip ng ganito.. napa reminisce ng mabuti sa mga panahong nagugol ko sa high school.. kaya sa mga high school pa.. sulitin niyo ang oras.. mas masaya ang high school kesa college.. ang mga prof niyo sa college hindi niyo pwedeng maging kaibigan di tulad ng mga teachers niyo sa high school.. at di lahat ng magiging seatmate niyo ay magpapakopya ng answer niya sa quiz.. kung may mga kilala kayong mahahanhin sa klase niyo, doble pa o triple ang makikilala niyo sa college.. yung ma-ala signal number 5 ang lakas ng bagyo kapag sila na ay nagsalita.. pag college.. pwedeng walang lunch break at recess.. wala nang ganung subject.. magpasalamat na lang kau sa 15-30 mins niyo na break para pumunta sa canteen.. sana marealize niyo kung ganu kasaya maging isang high school student.. lahat tau gagraduate.. at lahat tayo balang araw magiging kolehiyo na.. wag sana nating sayangin ang panahon.. (parang nagbibigay na ako ng advice niyan ah).. sa mga college na.. sana itong sinulat ko, makapag paalala sa inyo kung gano kasaya tayo noon.. at tayo y magdrama sa ilang sandali.. (nagdadrama pa.. mamaya na uli sususlat).... ok.. tama na ang drama at magpatuloy na tayo sa mga buhay natin.. :)